Zaldy stays in the hospital

Zaldy stays in the hospital: "Nasa ospital pa rin si dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan. Inaalam pa hanggang ngayon kung nakakuha ng court order ang kanilang kampo para mapalawig pa ang pananatili niya sa ospital. Nanindigan ang BJMP na ibabalik na nila sa Bicutan jail si Zaldy Ampatuan kapag hindi pa rin lumabas hanggang 6 ngayong gabi ang court order na magpapalawig sa pananatili ni Ampatuan sa ospital. Ipinako-contempt naman ng mga kaanak ng mga biktima ng Maguindanao massacre si Ampatuan matapos lumabas ng selda sa Bicutan kahapon. Nasa Philippine Heart Center sa Quezon City si Jeff Canoy. TV Patrol, Hulyo 21, 2011, Huwebes"

Comments